Linggo, Pebrero 25, 2007

Chapter 5: Loveteam, Lovelife, Kapamilya

September 8, 2006


Malikhaing Pagsulat time


Edison room



marahil ay magugulat kayo sa sasabihin ko, na...uhm...na...haaah...isa sa mga kabarkada ko ay "may pagtingin" sa isa sa mga matatalik kong kaibigan...ako rin mismo ay nagulat, ngunit may halong tuwa ang reaksyon ko sa pangyayaring ito. marahil ay nababago na siya...tama...nagbabago na...nagbabago na si jireh...ang dating tahimik at di palakibong lalaki na minsan ko nang kinainisan...ngayon ay nag-evolve na...ewan ko kung paano. pero siguro ay tumulong ang panahon sa paghubog sa isang katauhan na ibang iba sa aming kinagisnan. tumulong ang panahon upang maimulat ang mga mata ng isang batang hindi mo aakalaing magpapahayag ng sariling damdamin sa isang taong dating na wi-weirduhan sa kanya.



"panahon, makapangyarihan..."





grabe, ang lakas ng powers ng "time"...nagpapabago, nagpapainip, nang-aasar,naninira, nagpapabuklod, nagpapakilala kung sino ka talaga. ito nga siguro ang nagpabago sa paningin ni dora at ni jireh. nagpakilala sa pagkakaibigan sa kabila ng isang alitang naghihiwalay sa dalawang grupo na minsa'y naging isa. siguro ay simula na ito ng pagkakabuklod muli ng aming grupo.



"hindi ko alam kung totoo nga ito pero natutuwa ako sa kanila"



wala naman akong magagawa, hindi rin naman ako magagalit, para saan pa ba ang paghadlang... kung sila naman ang inlove sa sitwasyon na ito, na-eelibs ako... natutuwa ako...boto ako...tama...boto ako...





February 25, 2007


8:08pm


bahay

Tao sa paligid: O! Picture na!
Dora: Family Picture muna!
Mam Joy: O sige akin na, o game. Family Picture na!
*nasa isip ko na ang nasa utak ni mam Joy*
Mam Joy: O Dora, Family Pic na ah?



Ayos naman diba?
Caption: Si bespren tapos yung "abnormal". Kung bakit siya lang ang abnormal? Tanungin mo sila. Malay mo "abnormal" ang tawagan nila.
~
Yung unang entry na ipinost ko ngayon eh yung "panitikan" na ginawa ko noong wala akong magawa sa malikhain. Ewan ko ba kung yun nga o pinilit lang ako ni Dora nun.
Ganun lang talaga ako, nagsusulat nang wala sa oras. Kaya kita mo, ang taong dapat ngayon ay nagrereview para sa Pre-Finals bukas ay nasa kwarto ng kuya at nagtatayp.
~
"Uuuuy..."
Yan nalang ang nasabi ko. Isama mo pa ang "nasty", "eew", at "yun yun eh!", sa pagbebenta namin kay Dora. At alam nyo ba, syempre hinde, harap-harapan naming ginawa yun kay Mother Dear ni Ji. 'Dun ko lang napansin, 'di lang pala "Uuuuy..." ang nasabi ko.
Haay, buhay nga naman. 'Di mo alam kung may susulpot nalang na Kupido sa tabi mo. At hindi mo alam kung tatamaan ka o hindi. At hindi mo alam kung si Kupido nga ang nag-palaso sayo. O si Nikki lang.
'Di ko alam kung naasar sila pareho o okay lang sa kanila. Basta kami ni Giezl may narinig kami;
"...behave."
Nagkatinginan nalang kami, at ayun, natawa nalang bigla. At ako? Hmmmn. Haha! Natuwa ako! Nagkaisa kaming lahat upang ilantad ang katotohanan. At hindi kami naglolokohan dito ah. And take note, NATUWA ako at HINDI NATAWA. Pero tumatawa ako n'ung oras na 'yun. Haha. Anlabo.
Sana magtagal 'to. Sana hindi sila magkalabuan 'di kagaya 'kong kanina pang malabo. Sana masaya sila. Sana wala silang away. Sana mag-usap sila nang MATINO. Puro sana. Pero sana matupad lahat.
~
Dito magsisimula ang isang mahabang nobela na pinamagatang: "Abnormal". Akda ni Your Secret Admirer.
~
Haha, joke lang.
~
Hindi talaga natin mapipigilan si Kupido. At hindi rin natin siya mapipilit. Kaya 'wag tayong magmadali. Baka pinag-aaralan ka palang nya.

Biyernes, Pebrero 23, 2007

Chapter 4: Kasiyahan Matapos Ang Iyakan

Ate niki,wahHh.ang saya k0..0kie na po kami ni j0ham.nkita ko cya knina.tp0s nagsori ako.sbi nya sa su2nod wag ko na daw uulitin.hahahah.ang saya k0 talaga.yah0o.

Nagpadala:
giezl valerie
+63921*******

Ipinadala:
21-Peb-2007
07:02:32




Nabasa ko yan habang nagmamadali ako papasok ng klasrum. Late na 'ko. Late na 'ko. Haha. Okay lang. Okay lang yan. Basta ayos na ang problema. HA! TAPOS NA! Sana 'di na maulit. YAHOO!

At natapos na rin ang unos. Tapos na ang malakas na hangin na tumangay sa lahat ng kasiyahan ko. Tapos na, at last.

Chapter 3: Crap


At ayun! Dumaan ang hangin! At natangay ang mga dahon. Tumahimik ang paligid, at ako'y nanlamig. Sila'y nanlamig.


February 20, 2007
8:53pm
sa tapat ng bahay ni Cy

"There's no fight we cannot win."



BREAKDOWN. 'Di ko alam kung pupunta pa 'ko sa kaarawang 'to. 'Di ko gusto. Mailap ang tadhana. Ayoko. Bahala na si Batman. Gudlak naman samen. Ayoko na. Basta 'di ko gusto.


Umupo ako sa tapat ng bahay nila Cy. Hinihintay ang himala. Hinihintay na sana, sana maayos na ang lahat. Hinihinling na sana, sana 'di na magkahiwalay ang Unknown. Ayoko ng ganito. AYOKO.



WASTED. 'Di ko kayang humarap sa ganitong sitwasyon. 'Di ako sanay; na may galit sa'kin.



~



Nasasadlak sa katahimikan. 'Di alam kung uurong ba o susulong. Ang alam ko lang ay nasasadlak ako sa kalungkutan. Nasasadlak ako sa kalungkutang hindi ko naman ginusto. 'Di ko inasam. 'DI KO HININTAY. Wasted ako dito. Wated sa lahat. Wasted sa lahat. WASTED AKO. WASTED AKO. Babagsak na ang kalooban ko kakaisip ng kung ano man. AYOKO NA.




~



Masarap kumain ng spaghetti. Masarap matuwa sa dami ng sauce na umaapaw sa plato ko pag may party. Pero parang napasobra ata ako sa sauce. Napasobra. NAPSOBRA, NAKAKAASAR, NADUMIHAN ANG DAMIT KO.



~



Parang tumatambay lang kami. Tahimik, at 'di ko makayanan ang tensyon. Ganun lang, ganun lang ang mga pangyayari. Nandun kami lahat pero parang hindi kami FRIENDS. Hiwalay ang kwentuhan, hiwalay kumain, HIWLAY ANG LAHAT. 'Di ko carry. Parang iiyak na 'ko.



Pero hindi 'ko gagawin 'yon. Merong may birthday eh. 'Di pwedeng magpakita ng kalungkutan. Kakayanin ko 'to.



~



"O, usap na kayo. Sino ba magso-sorry?"

"'San ba sila?"

"Andun!" *turo sa kinaroroonan*

"O, tara na!"

"Tara! Tara! 'Di 'to matatapos eh."



LARGA! Habol! Sh*t! Brisk walking 'to! Ang hirap habulin. Tumakbo na 'ko. Nahabol ko siya. I pulled his shirt and said:



"O, usap na."

*katahimikan*

"O, ano ba kasing problema?...Oi!"

"'Yun nga eh, hindi mo nga alam. 'Wag ka nang magtanong!" (*Something like that.)

*exit**lights fade**brisk walking ulit*



Napatigil ako. Nasabi ko nalang sa mga kaibigan 'kong kasangkot 'din sa gulo ang mga pangyayari.



"Ui, habulin 'nyo nga 'yun."

"O, tara!"

"Kayo nalang. O, samahan mo nalang siya"

"Bakit naman?"

"Baka magalit pa eh. Sige na, habulin nyo."



Napaupo nalang ako sa sobrang pagkainis/kaba/hinayang. Basta ganun 'yun. Bumalik ako sa bahay ng kaibigan ko na mamasa-masa na ang mga mata.



~



Buong gabi akong nagisip-isip.



SANA MATAPOS NA 'TO.
***
Ang iba sa mga paragraphs na nasa itaas ay isinulat...este...tinext ko sa cellphone ko. yung iba isinulat ko ulet sa scratch paper during Physics time. Ganyan ako nagtago nang gabing yan.

Lunes, Pebrero 19, 2007

Chapter 2: Culture Crash


Tahimik na kaming naglalakad pauwi. Ibig sabihin n'on, papunta sa bahay namin. Hinatid nanaman nila ako. Para kaming nag-krusada. Natuwa ako. Pero balisa parin.
~
February 19, 2007
11:23 pm
sa bahay
"Happy Birthday Giezl!" Sabi ng mga kaklase nya.
"Mga ka-BS mo sa skul?" Ang malamyang tanong ko. Hindi ko sila kilala eh.
Birthday ni GV, kapatid ng bespren ko. Alas-singko palang naghanda na kami, pero hindi kami ganoong kahanda. Late na kami eh, hindi ko alam kung makakakain pa kami sa mga oras na yun. Basta goodluck nalang samin.
Maayos na ang lahat, luto na ang inihaw, may sauce na ang spaghetti, luto na ang ang adobo, natimpla na ang iced tea at nakalabas na ang kanin. Yan, ready to go na.
"Nasan na sila?" Bigla kong natanong.
"Si blah-blah, ganun-ganun, tapos si ganun, blah-blah..." Sabi ng isa kong kasama.
"Ah, ganun ba?" Sumagot akong parang napag-tripan.
"Si Giezl po?" May nagsalita sa may gilid, klasmeyt ni GV.
Oh, there they are! Ganun nalang ang pumasok sa utak ko.
"Oh, nandyan na pala kayo"
"Happy Birthday!" Umupo sila sa may likuran namin.
"Ahh, eto pala si blah-blah, yung nasa gilid. Tapos si blah-blah...sila yung mga kabarkada ko dito sa compound." Pinakilala kami, nakahilera kaming lumingon para lang batiin sila.
Pinakilala din ang kanyang mga klasmeyts. Tumungo nalang kami. As a sign of recognition.
Culture Crash 'to mga pare. Para kaming dalawang kampong may sari-sariling mundo. Kami'y mga STRANGERS sa isa't-isa. Bahala na si Batman. Tutal paikli nalang nang paikli ang gabi.
At whoosh! Ang akala kong paghatid nila sa kasama nilang uuwi na ay naging uwian narin nila. Buong grupo silang umalis. A swarm of bees. Haha. Magic!
Kami-kami nalang ang natira. Marami pang natirang pagkain. At 'di pa ubos ang dessert. may isa pang gallon ng ice cream. Sige, ngata nalang nang ngata. Basta 'wag nyo lang hayaang sumakit ang tyan niyo. 'Wag nyo 'kong gayahin.
~
Problemado parin ako. Hindi umatend si Joham dahil AYAW NIYA. At ang dahilan; ayaw niyang sabihin. Bigla nalang akong nabalisa lalo. GANYAN AKO MAG-ALALA.
~
Another year has passed. And for her, it's her time to look for her true self. We don't know what she'll find. But I hope she'll find it good.

Linggo, Pebrero 18, 2007

Chapter 1: Si "'Di kita bati"


February 18, 2007
started at 6:45pm
sa tapat ng csmsj



WARNING: PAPER-EATING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH.


Ha, nag-walkout siya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Basta ako, nawindang ako. Kaasar, baka ang kakulitan ko ang dahilan.


~

*tingin sa kawalan*



Hindi ko maipinta ang ugali ni Joham. Kahit na ilang taon na rin kaming magkaibigan, hindi ko parin siya kilala.


Noong elementary school ako, hindi ko siya nakita. Pumunta siya ng Sagada, dun siya nag-aral. Basta ganun. Ewan ko kung nagdrama ba ako nung umalis sila (haha). Ngayong bumalik siya, back-to-zero kami pareho. COMPLETE STRANGERS KUMBAGA.


Nagbago siya, hindi ko alam. Basta ganun. Oo, tahimik siya noon, pero hindi ko pa naramdaman yung feeling nung pagka-close namin dati. Mga walang pakealam sa sermon at saway. Siguro nga totoo, totoo na nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon. Nagbago siya, at siyempre nagbago ako. Hindi na maiiwasan yun.


Hindi ko naman magawang umiyak. Ano ako, OA? Hindi ko pa nga alam kung bakit nainis siya, hindi ko pa nga alam kung saan, hindi ko alam kung kanino. Pero nava-vibes ko na isa ako sa nagpagulo ng buhay niya. Tinanong ko kung galit siya, pero hindi na siya sumagot. Ayaw pala niya ng mga ganoong tanong. 'DI KO NA RIN ALAM KUNG MAKAKAPAG-SORRY PA AKO. Hindi ko rin kasi alam kung tatanggapin niya yun.


~



Ilang minuto na rin ang lumipas. Abalang-abala parin ako kakaisip ng TOTOONG DAHILAN. Kung kailan matino na ang pakikitungo niya sakin, dun pa siya nagalit.


Ayokong maasar, ayoko ring magalit. Ayoko nang magtanong. AT PARANG AYOKO NA RING MAG-SORRY. Sana lumipas agad ang galit niya. Ayoko kasing may nagagalit sa'kin eh. Bahala na si Batman. Basta nagsisisi na kami. Basta alam naming may mali kami. Basta nagsisisi ako, basta alam kong mali ako. Basta guilty ako kung may kinalaman man ako sa krimeng 'yan. BASTA NABABALISA AKO.


~



SORRY NA, KUNG AKO MAN ANG MAY SALA.


***



Sana lang maunawaan niya.