Miyerkules, Abril 4, 2007

Chapter 10: 525,600 minutes

April 4, 2007
8:30pm
bahay

Ang aking kambal,

Hai, miss na kita. Ang ating VCS days at ang heart-to-heart kwentuhans. Miss na namen ang mga advice mo sameng lahat. But then, masaya na rin ako't okay ka pa dyan. Kahit na malayo ka na, alam ko namang naaalala mo parin naman kame. Mag-iisang taon na rin noh? Matagal na rin pala. Balik ka dito ha? Para reunion tayo. Para masaya!

Sorry ha, kung medyo bangag ako ngayon. Eto nalang, sasabihin ko nalang ang mga wishko para sayo.:

~ Unang-una, syempre, sana masaya ka dyan. Para masaya rin kami dito!
~ Sana pagbutihin mo pa yung pag-aaral mo dyan. Kahit na dinudugo ka na sa French.
~ Sana wag ka masyadong magmukmok sa lovelife mo. Marami kaming nagmamahal sayo.
~ Sana mag chat ulet tayo. Kahit na alam kong minsan lang magyare yun. Para naman magkamustahan tayo.
~ Sana wag ka magbago.
~ Sana nakangiti ka palagi. Para masaya!
~ Wag ka magmumukmok ha? Pampapanget yun. Unless gusto mong pumanget.
~ Sana basahin mo lage 'tong blog na 'to. Para...uhm...wala lang!. Para malaman mo yung mga nangyayare samen. hehe.

Eto lang muna. Pero ate, eto lang talaga: WE MISS YOU! LOVE YOU!

Nagmamahal,
Ikins Unknown