Biyernes, Marso 16, 2007

Chapter 9: Sakay na


February 12, 2007

07:35pm

bahay
Sakay na


Intro: A-D-A-D-A-D-G-A (2x)
A-D-C-G
Halika na sa aming tropa
A-D-G-A
Makikanta at sumama
A-D-C-G
Sa saya at sa drama
A-D-G-A
Sa araw mo, kaming bahala
A-D-A-D-A-D-G-A
(chords same as first stanza)
Tara na, jamming tayo
Kahit na sintunado
tayo na't magkwentuhan
Hanggang sa magdamagan
D-G-D-G
Chorus:
(chords same as first stanza)
Awitin natin; isigaw sabay-sabay
Ng isang barkadahang pang habangbuhay
Aking kaibigan, ika'y makisakay
Sa dyip ng tropa mo na sa iyo'y naghihintay
*Intro*
(ganun ulet yung chords)
Sana'y di na magbago
Ang ating salu-salo
Kahit sa kalungkutan
Nandito lang kami, iyong sasandalan
Sa'n ka man mapadpad
Kahit na ika'y may sayad
Nagaabang kami, 'yong katropa
Upang ikaw ay aming mapasaya
*Chorus*
(waa..haha...ganun ulet chords)
Kay saya kung iisipin
Natupad ang panalangin
Nandito na tayong lahat
Nandito na tayong lahat
*Chorus, dalawang beses*
~
Ang kantang nasa itaas ay produkto ng aking sobrang pagkahumaling sa ating grupo...(haha...adeek)
Sana ma-appreciate nyo.

Linggo, Marso 11, 2007

Chapter 8: Tatakut

habang nanonood ng corning Bangkok Haunted 1
teka...nanonood nga ba???

At syempre, hindi ako natakot ng mga luko-lukong mga kasama ko. Na imbes na matakot eh...nagpapatawa. Enjoy naman kahit papaano.

Wala na masyadong eche-bureche ngayon. Ang masasabi ko lang ay masaya ako't masaya kami ng araw na ito. Masaya. SALAMAT.

Huwebes, Marso 8, 2007

Chapter 7: Si "Kakainin kita dyan eh." at ang kanyang palaka


kainin daw ba ako?




Buong araw kong kasama si Dora sa skul. Nag-library kami : nagbabasa ako, tulog siya. Masaya yun. Natapos ko tuloy yung librong binabasa ko 'tong araw na 'to.




~




Matagal-tagal ko na ring kilala si Dora. Siguro mga...uhmm...walong taon na rin. Ganon katagal. At ngayon ko lang na-realize na nasanay na 'ko sa pagiging makulit/tahimik/maingay/moody nya. Pati mga mukha nya sa pictures na naka-save sa computer ko. Matagal-tagal na rin. At masaya ako.




Naalala ko pa noon nung Grade 2:




*kukuha ng borloloy/scrunchie si nikki*


"O, eto o.."


"Ano yan?"


"'Suot mo..."


"Ah...okei.."






*kinabukasan papalitan ni nikki ang borloloy/scrunchie....*




A hanggang ngayon 'di 'yon maalala ni Dora. Tsktsk. "Mind Gap"




~




Napansin ko lang ha, gagradweyt nanaman tayo. This time bigatin 'to. "Kabilang buhay" na ang susunod. And this time, hiwalay na kami ng school. Malayo ang distansiya. Hmmmn. THIS IS NOT GOODBYE.



~



Naasar ako dito noon. Paano ba naman, nung Grade 6, lagi ko siyang nililibre ng large coke noon sa skul. Tapos pag uuwi na kami, nananahimik bigla o kaya iba yung kakausapin. Matapos mong ilibre, bigla ka ba namang iisnabin??? Makatao ba 'yon???


Pero, sabi ko nga, masyadong makapangyarihan ang panahon. So ayun, nasanay na 'ko sa pagiging moody niya. Pero sa totoo lang, naaasar ako pag ganun siya...huuu...scarrrryyy...


~


Masyadong malaki ang naging pagbabago namin ni Dora, mula sa pagiging "The Hunks" noong elementary days namin, hanggang sa maging frustrated artists namin ngayon. At eto pa, BABAE NA PO SIYA!!!...haha


~


Ang masasabi ko lang ay masaya ako't napadaan ka sa routa ko. Buti kinilala mo yung batang iyaking favorite teacher and tita mo nung Grade One. Buti sinaluhan mo 'ko sa paglikha ng ating sariling sining. Salamat at naging totoo ka sa'kin. Salamat at nagpakilala ka ng buong puso't buong katotohanan. Salamat at hinayaan mo akong maging isang kaibigang tagakinig sa lahat ng ikekwento mo, corny man o hindi. Salamat at sinamahan mo ko at na-enjoy ang bawat oras na nagsama tayo. Kahit na badtrip tayo pareho, kahit na wasted tayo palagi. Kahit wala akong mapapayo sa lovelife mo kundi "mag-usap nga kayo!" lang. Kahit na medyo kulang pa 'tong entry na 'to para i-describe ka't parang testi na 'to sa Friendster. Salamat sa mga ngiti't luhang ipinakita mo. SALAMAT. NATUTUWA AKO SA'YO MINAMAHAL KONG KAIBIGAN!

Linggo, Marso 4, 2007

Chapter 6: Foodtrip, Pagtulog, Drama

eto tayo...
March 4, 2007

2:23pm

Jollibee E. Rodriguez


Dora: Nakakatenxon (*sulat kamay)

Dora: Sayang, walang camera, banas, wrong timing. (*sulat kamay)

Nikki: Onga

Nikki: Bahala na


Hmmn...andito nanaman...salamat at nandito nanaman kami. This time, BUO ang grupo (except mommeh, ate chat, 'ya carlo...). At feel ko...ah...hanggang mamayang gabi na 'to. SANA.


~




utak ni nikki: hmmmn...nasan na yung order ko?

*hanggang ngayon ay wala parin ang order ni Nikki*

utak ni nikki: sana naman diba?


~


10:00pm

sa bahay



Natulog, oo natulog, si Ever lang ang nakatulog nang matino. At ako? Hehe. Goodluck naman.


Sa VCS, sana ganito. Sana LAHAT kami nandun(Kaya sana April yun!). Sana tuwing hapon nagkukumpulan kami sa library, tapos magkekwentuhan, o kaya soundtrip kasabay ang pagtulog. Sana masaya kaming magkakasama. Sana. Sana. Sana.


Ayokong magdrama. Pero eto talaga eh. Sa nakikita ko, magagawa naman naming magkasama-sama nang walang hiya-hiyang nagaganap. Kaya naman naming maging komportable sa isa't-isa. Marunong naman kaming magsaya diba?


Ang saya siguro noh?


utak ni nikki: Tanga! Masaya talaga! Istyupid!


Onga naman. Masaya talaga yun. Sobra siguro ang pagkasaya ko pag lahat kami nandun. We all work together kumbaga. 'Di lang nila alam na maluha-luha na 'ko nung nag-gangsa kami. NAPAKA-PROUD KO SA KANILA. Pa'no pa kaya ang isang linggong pagpapasensya sa mga pasaway na bata? 'Di ba anlaking acheivement yun para SA AMIN? Sa tingin ko OO, pero sa kanila? Hmmn. 'Yun ang 'di ko lang alam.


~


Ewan ko lang ha, pero tingin ko ngayon lang ako nasiyahan sa grupo namin. At last wala na ang napakalaking division na matagal ko nang tinitiis na tignan. Masaya ako. Oo, TALAGA.


~


utak ni nikki: Sh*t! ang corny ko na!


MAHAL NA MAHAL KO 'TONG GRUPONG 'TO. Siguro naman alam nila 'to. Kaya siguro lagi akong naiipit sa tuwing may problema ang grupo. Kaya siguro namomroblema rin ako sa problema ng iba samen. Kaya siguro sobra nalang ang pagkatuwa ko sa tuwing may "accomplished task" kami. Kaya siguro natitiis ko yung mga problemang bumubulaga samen. Kaya siguro sobra ang pagpapahalaga ko sa kanila. Kaya siguro masaya ako ngayon. Kaya siguro. Kaya ganun.
*
May ginawa akong film/slideshow ng pictures naten. Pero 'di ko pa tapos. Sana matapos ko na 'to bukas. Haha. Sana. Wish me luck!