kainin daw ba ako?
Buong araw kong kasama si Dora sa skul. Nag-library kami : nagbabasa ako, tulog siya. Masaya yun. Natapos ko tuloy yung librong binabasa ko 'tong araw na 'to.
~
Matagal-tagal ko na ring kilala si Dora. Siguro mga...uhmm...walong taon na rin. Ganon katagal. At ngayon ko lang na-realize na nasanay na 'ko sa pagiging makulit/tahimik/maingay/moody nya. Pati mga mukha nya sa pictures na naka-save sa computer ko. Matagal-tagal na rin. At masaya ako.
Naalala ko pa noon nung Grade 2:
*kukuha ng borloloy/scrunchie si nikki*
"O, eto o.."
"Ano yan?"
"'Suot mo..."
"Ah...okei.."
*kinabukasan papalitan ni nikki ang borloloy/scrunchie....*
A hanggang ngayon 'di 'yon maalala ni Dora. Tsktsk. "Mind Gap"
~
Napansin ko lang ha, gagradweyt nanaman tayo. This time bigatin 'to. "Kabilang buhay" na ang susunod. And this time, hiwalay na kami ng school. Malayo ang distansiya. Hmmmn. THIS IS NOT GOODBYE.
~
Naasar ako dito noon. Paano ba naman, nung Grade 6, lagi ko siyang nililibre ng large coke noon sa skul. Tapos pag uuwi na kami, nananahimik bigla o kaya iba yung kakausapin. Matapos mong ilibre, bigla ka ba namang iisnabin??? Makatao ba 'yon???
Pero, sabi ko nga, masyadong makapangyarihan ang panahon. So ayun, nasanay na 'ko sa pagiging moody niya. Pero sa totoo lang, naaasar ako pag ganun siya...huuu...scarrrryyy...
~
Masyadong malaki ang naging pagbabago namin ni Dora, mula sa pagiging "The Hunks" noong elementary days namin, hanggang sa maging frustrated artists namin ngayon. At eto pa, BABAE NA PO SIYA!!!...haha
~
Ang masasabi ko lang ay masaya ako't napadaan ka sa routa ko. Buti kinilala mo yung batang iyaking favorite teacher and tita mo nung Grade One. Buti sinaluhan mo 'ko sa paglikha ng ating sariling sining. Salamat at naging totoo ka sa'kin. Salamat at nagpakilala ka ng buong puso't buong katotohanan. Salamat at hinayaan mo akong maging isang kaibigang tagakinig sa lahat ng ikekwento mo, corny man o hindi. Salamat at sinamahan mo ko at na-enjoy ang bawat oras na nagsama tayo. Kahit na badtrip tayo pareho, kahit na wasted tayo palagi. Kahit wala akong mapapayo sa lovelife mo kundi "mag-usap nga kayo!" lang. Kahit na medyo kulang pa 'tong entry na 'to para i-describe ka't parang testi na 'to sa Friendster. Salamat sa mga ngiti't luhang ipinakita mo. SALAMAT. NATUTUWA AKO SA'YO MINAMAHAL KONG KAIBIGAN!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento