Linggo, Agosto 26, 2007

Chapter 14: Ji. Abnormal.


Ang "gitara" ni Ji. Oh yeah.


(tae, iisa-isahin ko kayo?!)

Nagulat nalang ako nang nakita kong may naka-ipit na guitar pick sa greenbook(basta)..hehe, joke lang. ‘Di ko nga yon mapapansin kung di sinabi ni Dora eh. Napangiti ako. Yeahboi!

Waw, remembrance!

An gaming gateway sa secong half, si Ginoong Jireh del Rosario. Akala mo suplado pero mabait pala. Four years narin nang makilala namin ang lalaking ito. Bad boy ang first impression ko sa kanya. Wahehe, nagkamali ako.

Gateway kamo? Aba, sa aking pagbabalik-tanaw ,*ehem!*, halos perfect attendance itong si Ji. At dahil doon, at dahil na rin sa pagiging absent ng iba pa niyang kasama, siya na ang nagiging “messenger to the gods” namen. (Note: “gods”). Kumbaga, siya na ang representative ng second half. Taga-kwento tungkol sa kanila, tinatanungan kung kamusta na sila, tagatawag pag kailangan sila. In fairness, big task yun.

At kung bakit ko nasabing mabait si Ji? Hmm… Well, isa siya sa mga masugid na taga-suporta sa Babidee!(yeahboi). Taga-rueo yan, nagtitiyaga kumbaga, moral support ng banda. Pero hindi lang naman sa banda eh. Sa tingin ko, bawat isang miyambro ng aming grupo(Ang Unknown), sinusuportahan niya. (kung saan ka masaya, suportahan taka!)

“Sulat ka sa blog mo ha. Para may mabasa ako.”(wahehe, something like that)

Kaya ayan, ikaw na ang tinarget ko!

Ito yung taong tatawa pag nagpatawa ka.(kahit na madalas wasted ang tawa niya) Kaya matutuwa ka kasi kahit corny na o tagus-tagusan na ang joke mo, at least may tumawa. Marunong mag-appreciate ang taong ito. Pero pag nagsimula ka ng asaran, well, di ka niya tatantanan! Sa huli, ikaw rin ang mabubuwisit kung bakit nang-asar ka pa. Balik sa appreciation, yon ang pinakagusto ko sa kanya. Lahat kami…yata…natutuwa sa kanya. Yeahboi!

Ang tagapamuno ng aming gangsa presentation. Hehe. Masaya in fairness. Musikano, gitarista…sana kumanta rin siya. Hehe. Isang napakagandang ideya!!! Kanta ka naman Ji!...Sana…para…ah…para…wala lang.

Oi! Salamat sa pick!

June 25, 2007
3:00pm

Sa kasamaang palad, naiwala ni Kalingan ang guitar pick na ibinigay ni Lawingan noong ika-dalawampu’t lima ng Agosto, taong dalawanglibo’t-pito. Pagkababa ko sa jeep, 'di ko na nakita. Sorry Ji.

Chapter 13: Flash Report

Dude, ganyan talaga ang buhay. May papakialaman, at may mangingialam.


***
Ang mga relasyon??? Hmmm… Malabo…

Iisa palang ang opisyal na alam ko. Pero..uhm…parang may narinig akong bago.

Nagulat nalang ako nang malamn ang balita. Nagulat. Hindi dahil sa may nasaktan(pero, pwede na rin), ngunit dahil sa napili ni lalake. ‘Tol,…”Twin”,….BATA yan.

Hindi ko na-take ang nangyari. Buti kung kasing-edad mo diba? Di ba? Isipin mo naman, BATA… hindi pa natin alam kung…uhm…basta… Hindi pa natin alam. Marami pa tayong hindi alam.

Ayos lang naman kung itutuloy mo, pero isipin mong bata yan. At alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari pag nasaktan ang bata. At alam mo na ang mangyayari pag nalaman yan ng mga matatanda. Alalahanin mo yunhg taong napamahal na sayo, pero winasted mo. Eto lang ang masasabi ko: hindi ka nagseseryoso…hinding-hindi. Wag mong sasabihing wala kang pakealam, kasi ikaw ang may dahilan kaya kami nangengealam. Wag mo nang tanungin kung bakit kami nangengealam, kasi nag-aalala lang akmi para sa’yo. Wag mo nang tanungin kung bakit nag-aalala kami sayo, “Hello?! Kaibigan ka namen!” yan lang isasagot ko sayo. Wag kang magagalit, nangengealam lang kami. Para sayo rin ‘to. Aminin mo na, hindi mo kakayaning mag-isa.

We’re trying to get things straight Cy. So please, COOPERATE. This is not just for your own good; it’s for all of us. You won’t feel it at first, but you know we also care. Even though we always see you taking the wrong way, I know, someday you will realize what you’re doing. We don’t want the worse to happen. So I plead, COOPERATE.

May 25, 2007
21:25

Chapter 12: Nasaan na lahat?


Ang hindi magpakita, magiging oompa-loompa!


***
Kanina lang katext ko si Cy gamit ang cellphone ni GV

Cy: Sinu-sino nandyan?
Ako: Babidee
Cy: Aw…
Ako: Bakit aw?

Oo, sa mga dumalo sa handaan ni Gley, Babidee nalang ang natira.

Nasaan ang iba kamo? Aba malay ko.
Hindi ko alam kung may gulo nanaman ba o hindi pagkakaintindihan. Basta ko, nadidismaya…

Whereabouts:
Babidee: kila Gley, kwentuhan, pusoy, mah-jong, hulaan, “moo time”.
Cyril: nasa Bangaan.
Jireh: nasa bundok din.
Ate Chat: nasa bahay nila, pero dumaan naman.
Budoy, Nissi, Janmarc: dumaan, pero umalis din pagtapos kumain.
Joham: nasa tubigan, nadaanan naming nung sinundo ako noong gabing ito.
Others: sa malayong lugar, hindi man lang dumaan.

Kung kailan malapit na akong umalis, kung kalian wala masyadong ginagawa, kung kalian ko inaasahang lahat ay naroon, wala sila. Nabigo ako. Tsktsktsk. Saying.

Akala ko tapos na. Akala ko ayos na. Akala ko buo na. Akala ko may bonding session pagkatapos, magsisi-alisan din pala pagkatapos. Akala ko jamming na, wala rin naman. Akala, akala, akala. Patay na ako.

Hinihiling ko bago ako umalis na sana magtulungan tayo at maging isa. Pero kadalasan, may nakikita akong isang malaking hadlang na naghihiwalay sa atin na gumawa ng kung anu-ano para sa ikabubuhay ng ating grupo. Umaasa ako, na sana bago ako umalis, makilala ko ang mga totoong personalidad ng bawat isa. Alam ko, na tatagal ang barkadahang ito. Hindi ako papayag na panandaliang saya lang pala ang madarama ko galling sa inyo. Alam ko, bawat isa sa atin ay may isang isang espasyo para sa pagkakaibigang tulad ng sa atin. Hindi nyo man ipakita, malakas ang sense ko. Wahehe. Kung hindi ka man lang nag-aalala para sa grupong ito, ‘di ka kasama dito.

This afternoon I ended up browsing pictures of our group hangout, happenings, etc. And yes, I felt bad. ‘Cause I know that I will not see these things again in quite some time. I also felt bad because I don’t see these things today. I’m so wasted. Are you wasted too?

May 15, 2007
11:45pm

Chapter 11: Si Gv at si Cheena


AYOWN! yeahboi!


Name: Giezl Valerie Lumaguey
Birthdate: February 19, 1992
Occupation: Student


Occupation ko sa kanya: Butihing Adviser
~
Haii, kailan ba nagsimulang magkonsulta si GV saken?

Hmm, ang batang akala ko noong una eh mas matanda pa sa akin dahil nakalituhan lang sa birth certificate? Ang batang dinadaldal ko hapon-hapon sa franz cafe para lang ilabas ang galit? Ang batang minsan ko nanag iniyakan dahil sa linsyak na atake ng asthma sa kanya? Ang batang sumagip sa ulo ko at sumama saken sa pagturo sa intermediate class ng VBS 2007? Hmm...siguro last year lang.

~
Ang istilo ko ng pagpapayo sa kanya?

SIMPLE.

Basta sasabihin ko lang ang opinyon ko sabay kumbinsi na iiyak niya lang lahat.

Yun lang.

Bahala na siya kung sa tingin niya ay tama ang opinyon ko o hindi. Basta may nasabi ako, ayos na yun.

~
Kung paano ko siya nakilala? Hmmm...aba malay ko. Basta ang alam ko, siya si GV, at kapatid niya si Dora, at masaya kaming nagsasama...*sigh*

TAMA!

tama naman diba?

~
Siya na siguro ang taong may pinakamaraming beses ko nang nakitang umiyak. Hindi naman sa mahina siya. Marunong lang siyang magpakit ng kanyang nararamdaman. Doon ako bilib sa kanya.

~
Siya ang tipong marunong makisama. Sa sobrang friendly niya ay naging lapitin siya ng mga kalalakihan. Pero siyempre hindi naman niya papatulan agad yun. Ang masasabi ko lang, magpakasaya ka. Susuportahan kita!

~
Masaya 'to kasama, pero minsan wasted yan. At base sa aking findings, wala pang panahong nabuwisit ako sa kanya ng lubus-lubusan. yonneh! Dapat laging ganun.

~
Hindi ko naman inaasahang maging close kami ng babaeng ito. Hindi ko rin inaasahan na matututo akong magbigay ng sariling opinyon, ako lagi ang nahuhuli. Buwisit nga minsan, hindi ko agad nawa-warningan ang dapat ma-warningan. Kaya ayun, WASTED sila.

~
Minsan lang talaga, hindi ako kumportable pag dating sa kanyang mga boylet. Asusss. Hindi ako maka-ride! Wahehehe!!!

~
Pero ito lang ang masasabi ko: MASAYA AKO.

Kasi kahit papaano naging dahilan ka na rin ng napakalaki kong pagbabago. Hindi mo lang pansin pero ganoon talaga. At siyempre, talagang hindi kita makakalimutan.

ANG BATANG TOTOO SA BAWAT LUHANG TUMUTULO SA KANYANG MALALAMBING NA PISNGI.