Linggo, Abril 4, 2010

Chapter 22: Labo

*alas-siyete ng umaga ang kitaan sa McDo Session Road, gising pa rin ako*

I missed all of you guys...

Napakaraming nagbago,

napakaraming nangyari.

Minsan lang hindi ko matanggap lahat,

pero ganun na eh, wala nang magagawa, hindi na mababago.

Nagugulat na lang ako sa mga balita.

Hindi ko alam kung ako yung nalalabuan o sadyang malabo lang talaga.

Dahil ba sa lagi akong wala? Dahil ba sa hindi ako makasunod?

Dahil ba sa hindi ko nagagawa ang mga bagay na dati naman ay nagagawa ko para sa inyo?



Sana, kahit na marami na ang nagbago, ganoon pa rin ang pagtrato natin sa isa't-isa. Ganun pa rin, isang pamilya. Sana naroon pa rin yung dating saya na nararamdaman natin pag magkasama. Yung tipong walang iwanan, lahat saluhan. Nandun yung respeto, pag-intindi...nandun yung saya.



Maraming nagbago. Sana masabayan ko, sana masabayan natin.

*makatulog na nga*

Walang komento: